Ang Makulay na buhay ni Tess Atentar:
Domestic Helper, Pintor at Investor
Ni Marites H. Atentar
Marites H. Atentar ang aking pangalan at nagtrabaho sa Hong Kong sa loob ng 18 years. Tatlo kaming magkakapatid dito sa HK; Kuya ko at Ate ko. Minsan nagkakasama –sama kaming tatlo pag day off minsan hindi,sa dahilan minsan nag-iiba ang holiday naming tatlo.
Ipinanganak ako sa Infanta, Quezon pero lumaki ako sa Balayan, Batangas. sa Balayan kami nag-aral mula grade 4 hanggang sa College. Nakapag trabaho din ako ng ilang buwan sa Makati Supermart noon bilang Saleslady, pero di rin ako nagtagal dahil kulang pa sa pamasahe at pagkain ang suweldo. Nakapagtrabaho din sa Cosmos Bottling Corporation bilang Assistant Secretary, pero umalis din ako dahil sa medyo bastos ang may asawang supervisor, kaya ako’y natambay sa bahay. Sobrang nakakainip kapag walang trabaho. Kain. Tulog. Nahihiya na ako sa nagpalaki sa amin, kaya naisipan ko na mag apply sa HK. Noong una ayaw akong payagan, baka daw kung ano lang ang mangyari sa akin sa abroad, pero nagpumilit pa rin ako na umalis dahil gusto ko magkatrabaho.
Ang buhay ko sa Hong Kong
Naka dalawang taon na ang kuya ko sa HK, kaya naisipan ko na magpahanap ng amo sa agency at nakakita naman agad at pumirma ng kontrata. Kagaya ng maraming OFW sa ibang bansa marami din akong pangarap: makabili ng lupa, makapagpatayo ng bahay, makaipon para sa negosyo, at makatulong din sa magulang at kapatid na noon ay nagsisipagaral pa.
Sa unang dalawang taon ko sa HK wala akong kaibigan na nakakasama dahil Wednesday ang day off ko noon. Kaunti lang ang nag de day-off ng weekdays, mostly Saturday o Sunday ang off ng karamihan. At isa pa, nasa Tuen Mun, new territory ako. Mula sa amin isang oras ang biyahe papupunta ng Central, kaya ang puntahan ko lang noon ay library sa Tuen Mun. Lalabas lang ako ng library kapag kakain ng lunch tapos balik ulit hanggang sa magsara na ang library 5:00pm. Minsan nanghihiram ako ng libro at dinadala ko sa bahay ng amo ko.
Noong 2nd contract ko, may nakilala na ako na pilipina na sa Central pumupunta at sa catholic center nagi- stay sa 18th floor. Palagi na kaming magkasama papunta ng Central tuwing day off at naging choir na rin sa chapel sa 3rd floor ng catholic center ng ilang taon.
Ang talento at libangan: Pagguhit at Pagpinta
Noong nasa pilipinas pa ako libangan ko ang manahi ng mga pillow case at bed sheet at bed cover. Pero noong nasa HK naman ako naging libangan ko ang mag drawing o mag design ng mga gown. Nagpipinta din ako sa Canvass. Hindi ako nagaral magpinta, sumubok lang ako. Nagsimula ako mag-paint sa canvass noong November ng nakaraang taon (2013), pero bago pa noon ay nagpe-paint na ako sa gamit ang aking netbook. Ito ang ilan sa aking mga naipinta:
Painting gamit ang Computer
Sketch
Ilan sa mga Paintings sa Canvass
Paborito kong magpinta ng mga Sceneries, Waterfalls, birds, etc. Kung mapapansin nyo rin sa mga paintings ko, may nakapintang babaeng nakagown. Marahil naisasama ko din ang hilig ko sa pagdedesign ng mga gown sa aking paintings.
Ang ginagamit kong uri ng paint ay Acrylic o kaya Oil. Higit sa 20 na ang aking nagagawang paintings. Ang mga natapos kong paintings ay ibinibigay ko sa aking mga kaibigan bilang regalo o “remembrance”, dahil magba-bakporgud na ako ngayong June 26, 204.
Ang KsK Coop sa buhay ko…
Marami na akong nasalihan na organisasyon dito sa HK,at marami na ring mga seminars na napuntahan na may kinalaman sa pangkabuhayan at buhay pinansyal. Lalo na sa KSK Cooperative na napakarami ko natutunan sa pamamagitan ni Mr. Francisco j. Colayco at Mr. Armand Q. Bengco. na kung saan ay naging miyembro ako mula pa noong 2004. Sa ibang organisayon sa labas naman ay nakapag aral at natapos ko rin ang 50 hours na intermediate course to English na sponsored ng Constitutional and Mainland affairs Bureau sa pakikipagtulungan ng Christian Action noong 2009, natapos ko rin ang Microsoft word basics funded by Microsoft unlimited potential (community technology skills program para mga ethnic minorities sa pamamagitan ng Christian action. Naging volunteer din pagkatapos ng aking klase. Nakapag aral din sa YMCA ng Icing & cake baking,ganun din sa catholic center royal icing,boiled icing at advance cake baking. naka attend din ng seminars ng enrich.money matters sponsored by goldman sachs.nakasali din sa tatlong painting competiton,organize by: 1. Christian action,2.St. john’s cathedral HIV education center at 3. Philippine Arts festival na kung saan ay napanalunan ko ang first prize sa “ On the spot painting competition.sa dami na ng aking pinag aralan pinakapaborito kong hobby ay painting.maganda ang pakiramdam kapag ako ay nagpipinta,nakakalibang at nakaka alis ng stress sa trabaho.
Marami akong natutunan sa KsK Cooperative (Kapatiran sa Kasaganaan Service & Multipurpose Cooperative) noon nakikinig ako sa radio program ni Tita Kerry (Mr. Jun Paragas) at kuya Mike (Mr. Michael Vincent Benares) Am 1044 Metroplus. binabanggit nila kapag may seminar na gagawin si Mr Colayco at Mr. bengco ng Colayco Foundation for Education. Noong 2003 ay gumagawa na sila ng mga seminars, hanggang maumpisahan ang KSK Coop noong 2004. Naging volunteer ako sa KsK Coop mula 2004 hanggang ngayon.at ang mga proyekto na aking sinalihan sa coop ay:
- Share Capital- sa pamamagitan ng share capital nagkaroon ng pagkakataon na magbakas bakas ang mga miyembro para makapagpatayo ng mga negosyo na may 1% guaranteed interest kapag may 50 share capital na minimum requirement. Plus additional dividend galing sa mga kita ng ibat ibang negosyo kung lahat ng ito ay kumikita na.
- Kabakas sa aurumn one condo/hotel bilang individual shareholder
- Co-owner ng bangko naming OWN RBCC na nagbibigay ng mataas na interest sa time deposit.
- Investor ng RSIP FAMI SALEF /Mutual Funds.
- CSDA Time Deposit Acct. sa OWN RBCC na nagbibigay ng 5% interest/year in 5 years
- Savings Acct. sa OWN RBCC na nagbibigay ng 1% interest/ year.
Malaki ang naitulong ng KsK Coope sa akin. Natututo akong mag ipon at palahagahan ang pinaghirapang pera. Natutunan ko ang magtipid, na noon mahilig ako bumili ng mga bagay na minsan di ko naman nagagamit. Kung may reality show na pinakikita sina mr. colayco na pamagat ay Nang Magising si Juan, siguro isa ako sa mga “Juan” na “nagising” at natauhan, bakit nga ba di ako nag ipon kaagad?
Kaya sa mga kapwa ko OFW inaanyayahan ko kayo sumali sa aming KsK Coop na nag aalok ng ibat ibang investment na maaari ninyong pasukan magbibigay ng tulong sa atin kapag tayo ay wala nang trabaho. Habang malakas pa, samatalahin na nating makaipon para di dumating sa kung kalian matanda na tayo, doon pa lang magumpisa at maghahabol.
Ang KsK ay nakakatulong sa mga kababayan natin sa Pilipinas dahil nabibigyan natin sila ng trabaho sa pamamagitan ng mga negosyo na ipinatayo ng KsK Cooperative. Nakakatulong ang kskcoop sa pag angat ng ekonomiya ng pilipinas. Pwede ring mag-apply ang pamilya ng mga miyembro sa mga negosyo na ipinatayo ng Coop basta qualified.
Sa pagsali sa KsK Cooperative marami kang matutunan. Binibigyan ka ng pagkakataon na makibakas sa mga malalaki at kilalang negosyo na kung nagiisa ka ay di mo makakaya. At higit sa lahat magbabago ang pananaw mo sa buhay. Kapag nakapagattend ka ng mga seminars na binibigay ng libre ng KsK Coop, talagang……. MAGIGISING KA SA IYONG BUHAY PINANSYAL!
Sa Ksk Coop,
KAYANG KAYA basta’t SAMA SAMA!
Disclaimer: the content of this article does not embody the position of KSK Cooperative but only the author’s opinion and experiences (Ang nilalaman ng artikulong ito ay hindi kumakatawan sa pahayag ng KSK Cooperative kundi opinyon at buhay na ipinahayag ng manunulat)