So What?

So What?

By James Gonzales

So what if Filipinos were taught to be considered or viewed by Hong Kong residents as Domestic Helpers?

Last week of May 2014, a news spread in the nation that has angered many Filipinos and the so called Filipino “netizens”. The news was about a textbook from Hong Kong which has a “Fill in the blanks” activity page, where students are asked to identify which race is more suitable for a certain characteristic. (below is the said page)

Image

(Photo from Manila Bulletin)

In the photo above, the no. 2 item depicted that the girl there (Malay looking girl), who is a Domestic Helper in Hong Kong, is a Filipino.

Many negative comments and reactions were raised by Filipinos in Social Media websites condemning the Publisher of the book and Hong Kong residents. Many are saying that Hong Kong locals are actually discriminating Filipinos. Others are saying that Filipinos have been generalized as “DH”.

In my opinion, such comments of the “Netizens” are uncalled for, because of the following arguments:

  1. As shown in the page of the book, there is an answer box where the different races can be chosen. Filipino is the most suitable answer from the box to identify the woman who is a Domestic Helper in Hong Kong because of its Malay Features. Among all the choices in the box, Filipino is the only race that belongs to the Malay race. Though Indian can be placed there because of the complexion of the skin, but Indians living in Hong Kong are not mainly Domestic Helpers. Many of them are Merchants or working in the Financial Sector.
  2. Statistically, many of OFWs in Hong Kong are Domestic Helpers. According to Hong Kong News, a Newspaper catering to Filipinos, there are more than 150,000 Filipino domestic Helpers in Hong Kong in 2012 (the most, compared to Indonesians, Thai, etc.). Also, Domestic Helpers are the most predominant job of OFWs in Hong Kong. Does this justify the generalization “entailed” by such textbook? I think not, but it can contribute.
  3. Lastly, what’s wrong with being a Domestic Helper? Does being a domestic Helper make them less of a person? Actually, it is a noble job. Most of them are in their workplace (Stay-in) 24hrs a day for at least 6 days a week, just to earn money so they can support their families in the Philippines. Are there unethical or immoral activities in their job description? Yes, if you are a DH your hands will be dirty, but you are never a criminal or a prostitute. Also, Domestic Helpers are not slaves. They have a contract and they are protected by the laws, thus they are treated as normal employees.

The problem with us Filipinos, we give more prestige to jobs with high educational requirement. It is not the DH’s fault that they are working as such but, with such reality in the Philippines, they endured being away from their families and work overseas.

I am not defending Hong Kong or the publisher of the textbook. If the rationale of the book is to discriminate on us, then shame on them. What I’m trying to point out is that the Filipinos have been too sensitive that we tend to react harshly first before we think. We never realized that by counter-arguing the said book, we are actually the ones who are, primarily, discriminating our Kababayans.

The house helper job is something to be proud of because these people are actually helping Families (may it be Chinese or not) to live their lives easily. It is all about Dignity of Work. You can work whatever job in Hong Kong and no one will discriminate you, as long as what you’re is not illegal.

On a final note; think first, before you react.


 

(tagalog translation)

Ano naman Ngayon?

ni James Gonzales

Ano naman ngayon kung ang mga Residente ng Hong Kong ay tinuturuang ituring ang mga Filipino bilang Domestic Helpers?

Noong huling linggo ng Mayo 2014, isang balita ang kumalat sa Pilipinas na nagpagalit sa mga Filipino lalo na ang mga “Netizens”. Ang balita ay tungkol sa isang Libro sa Hong Kong na mayroong “Fill in the Blanks” activity page, kung saan ang mga mag-aaral ay hinihiling na piliin at isulat sa patlang kung anong lahi ang tingin nilang nababagay sa taong tinutukoy. (Sa ibaba ang litrato ng pahina)

Image

(Photo from Manila Bulletin)

Sa litrato sa taas, ang pangalawang (2) bilang ay naglarawan sa isang babaeng kulay kayumanggi at isang Domestic Helper sa Hong  Kong ay isang Filipino.

Maraming tao ang nagpahayag ng negatibong kumento at reaksyon sa “Social Media” Websites patukoy sa naglathala ng nasabing libro at mga residente ng Hong Kong. Marami ang nagsabi na ang mga taga-Hong Kong ay dinidiskrimina ang mga Filipino. Ang iba naman ay nagsabing nilahat ng mga residente ng Hong Kong ang mga Filipino bilang “DH”.

Sa aking palagay, ang mga reaksyon ng mga Filipinong “Netizens” ay di kinakailangan dahil sa mga sumusunod na argumento:

  1. Ayon sa pahina ng nasabing libro, mayroong 6 na pagpipiliang lahi kung saan pipili ang mga magaaral ng kanilang sago. Sa ikalawang bilang, Filipino ang pinakanababagay na sagot na magtutukoy sa Domestic Helper na inilarawan na babae dahil sa kanyang kayumangging balat. Sa lahat ng mga lahing nailahad. tanging Filipino lang ang may kayumangging balat. Maaring maisagot ang Indian sa ikalawang bilang, pero karamihan ng mga Indian sa Hong Kong ay hindi naman Domestic Helper. Karamihan sa kanila ay mga mangangalakal o kaya ay nasa larangan ng Pananalapi.
  2. Ayon sa istatistika, karamihan ng mga OFWs sa Hong Kong ay Domestic Helpers. Ayon sa pahayagang Hong Kong News, isang pahayagan sa Hong Kong na naglalahad ng mga balitang Filipino, higit sa 150,000 na Domestic Helpers sa Hong Kong ay Filipino noong taong 2012 (Mas marami kaysa Indones, Thais, etc). Isa pa, ang trabahong Domestic Helper ang pinakakaraniwang trabaho ng mga Pilipino sa Hong Kong. Pero, ito ba ay sapat na dahilan para ituring ang lahat ng Filipino sa Hong Kong bilang DH? Sa palagay ko ay hindi, pero ito’y nakakatulong.
  3. Panghuli, anong masama sa pagiging Domestic Helper? Ito ba ay nakakahubad ng dignidad ng isang tao? Sa totoo lang, ito ay isang marangal na trabaho. Karamihan sa kanila ay nagtatrabaho ng dalawampu’t apat na oras sa isang araw (lalo na kung ikaw ay nananatili sa tirahan ng iyong amo) at anim (6) na araw sa isang linggo, para lamang masuportahan ang mga pangangailangan ng kanilang pamilya sa Pilipinas. May masamang mga gawain bang kaakibat ang kanilang trabaho? Wala. Madumi man sa kamay ang trabaho nila, pero di sila kriminal o gamitang tao. Isa pa, ang mga Domestic Helpers sa Hong Kong ay hindi alipin. Sila ay protektado ng kanilang Kontrata at ng mga batas ng Hong Kong, kaya’t sila ay tinatrato bilang empleyado.

Ang problema sa ating mga Filipino, nagbibigay tayo ng mataas ng pagtingin sa mga trabahong nangangailangan ng mataas na natapos na edukasyon. Di naman kasalanan ng mga DH na ganoon ang kanilang trabaho, pero dahil sa realidad na mahirap humanap ng trabaho sa Pilipinas, pinili nilang malayo sa kanilang pamilya para maghanap-buhay.

Di ko pinagtatanggol ang Hong Kong o ang naglathala ng nasabing aklat. Kung ang dahilan ng nasabing libro ay idiskrimina ang mga Filipino, sila’y kahiya-hiya. Ang gusto ko lamang ipunto ay tayong mga Filipino ay masyadong sensitibo na tayo ay nagbibigay agad ng mga negatibong reaksyon bago natin isipin kung tama ba ang ginagawa natin. Di natin naiisip na sa ating kagustuhang ipagtanggol ang ating mga sarili mula sa gustong ipahiwatig ng nasabing aklat, tayo mismo ang nagbababa sa ating mga kababayan.

Ang pagiging Domestic Helper ay isang bagay na dapat ipagmalaki dahil ang mga DH na ito ay tumutulong sa mga Pamilya na mapadali ang kanilang pamumuhay. Ang kailangan lang natin ay “Dignity of Work” o ikarangal ang ating mga trabaho, lalo na kung di tayo gumagawa ng masama o illegal.

Panapos na linya; Magisip muna tayo bago magbigay ng reaksyon

Disclaimer: the content of this article does not embody the position of KSK Cooperative but only the author’s opinion (Ang nilalaman ng artikulong ito ay hindi kumakatawan sa pahayag ng KSK Cooperative kundi opinyon lang ng manunulat)

2 thoughts on “So What?

    • Hi The Domestic Helper… Mainly the point of the article is to uplift the dignity of Domestic Helper. For me, It is a noble job that’s why whether we, the Filipinos (or any race in that sense), should not care if Hong Kong people, or anyone brand you as Domestic Helpers because it is something to be proud of… I am not a Domestic Helper, but I am sincerely saying that I salute all Domestic Helpers, (Filipinos or not), and I’m very happy that I could serve this kind of people.

      -James Gonzales

Leave a comment